Masaya ang Pasko ng isang mananaya na solong tinamaan ang mahigit P84 milyon jackpot prize sa Megalotto 6/45 draw nitong Miyerkules, November 26, 2025.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang winning Megalotto numbers ay 29-22-25-37-41-34 na may kabuuang premyo na P84,182,510.00.

Wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Grand Lotto 6/55, na ang lumabas na mga numero ay 24-42-33-19-06-20, at may jackpot prize na P152,234,211.80.

Para sa iba pang resulta ng lotto draw, i-click ang link. — FRJ GMA Integrated News