Inaresto ng mga pulis sa labas ng Baclaran Church sa Parañaque City ang isang lalaki na nahaharap sa kasong ilang ulit na panghahalay sa kaniyang stepdaughter sa Basud, Camarines Norte. Ang suspek, dumalo umano sa misa bago dakpin.
Sa ulat ni Sarah Hilomen Velasco ng GMA Regional TV sa GMA News “Saksi” nitong Huwebes, sinabing nahaharap sa kasong six counts of statutory rape ang 44-anyos na suspek.
Kinse-anyos umano ang biktima nang mangyari ang panghahalay noong 2023.
Nadakip ng mga operatiba mula sa Basud Municipal Police ang suspek sa labas ng simbahan noong November 20.
Ayon sa mga awtoridad, nagpapalipat-lipat ng tirahan sa Cavite ang suspek bago siya nadakip sa labas ng simbahan.
Dinala na ang suspek sa custodial facility ng Basud Police, at hindi siya nagbigay ng pahayag. – FRJ GMA Integrated News

