Isang mananaya ang nanalo ng P155.23 milyong jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Linggo, November 30, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay 26-08-20-03-58-28 na may kabuuang premyo na P155,223,593.80.
Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Superlotto 6/49 na may papremyong P27,769,526.40. Ang lumabas na mga numero ay 06-32-03-21-10-07.
Noong nakaraang linggo, isang mananaya rin ang nanalo sa Megalotto 6/45 draw at nasolo ang mahigit P84 milyon jackpot prize.
Ang lumabas na mga numero sa naturang Megalotto 6/45 draw nitong Miyerkules, November 26, 2025, ay 29-22-25-37-41-34 na may kabuuang premyo na P84,182,510.00. – FRJ GMA Integrated News

