Sa General Trias, Cavite tinayaan ang tiket na solong tumama sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Linggo, November 30, 2025, na may premyong mahigit P155 milyon.
Sa Facebook page ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na binili ng masuwerteng mananaya ang kaniyang tiket sa Barangay San Francisco.
Ang lumabas na mga numero sa naturang draw ng Ultra Lotto 6/58 ay 26 08 20 03 58 28 na may kabuuang premyo na P155,223,593.80.
Noong Nov. 28, tinamaan naman ang P8.9 milyong jackpot prize sa Mega Lotto draw na tinayaan ang tiket sa Barangay Masambong sa Quezon City. Ang lumabas na winning combination ng mga numero ay 01 05 37 31 18 19.
Sa Cubao, Quezon City naman tinayaan ang tiket na tumama sa Mega Lotto draw noong Nov. 26 na may jackpot prize na P84 milyon, at ang lumabas na mga numero ay 29 22 25 37 41 34. – FRJ GMA Integrated News

