Pormal na inihalal si Senator Sherwin Gatchalian nitong Miyerkoles bilang bagong Senate President, na tinutuldukan ang dalawang linggong tunggalian nila ni Senator Alan Peter Cayetano sa liderato sa Senado.
Sa espesyal na sesyon, iminungkahi ni Senator Juan Miguel Zubiri si Gatchalian bilang Senate president.
Sinabi ni Senator Francis Pangilinan na bumoto "unanimously" ang lahat ng 13 senador na dumalo.
Matapos nito, sumumpa si Gatchalian bilang Senate President, na pinangasiwaan ni Senator Vicente "Tito" Sotto III.
Sa kaniyang talumpati sa nominasyon, tumindig si Zubiri na masipag at mahusay na pinamunuan ni Gatchalian ang ilang kilalang komite, kabilang ang Committee on Energy, Committee on Economic Affairs, Committee on Basic Education, at ang Committee on Finance.
“He's the leader that the Senate needs in this time of division and disarray, and he has done this before. I know he'll be able to rise above the fray and lead us back to our principal function, which is to attend to the work of legislation,” sabi ni Zubiri.
“I have every confidence that as Senate president, he'll be able to set the institution back on the right path, guided by the highest standards of service, integrity and morality. To my colleagues, I plead, let us elect Senate President Gatchalian and let us get back to our work in this hallowed institution,” dagdag niya.
Idineklara ang isang quorum sa espesyal na sesyon matapos dumalo ang 13 senador, kasama sina Senator Francis “Chiz” Escudero at Joel Villanueva—-na parehong dating miyembro ng Cayetano bloc.
Ipinaubaya na ni Cayetano nitong Miyerkoles ang pagkapangulo sa Senado, na inamin na “colleagues on the other side will soon have the numbers to elect a new Senate President.”
“I will not stand in the way of that vote. No leadership in a democracy is ever permanent; every office we hold is a loan, never a possession. To whoever this chamber lawfully elects, I extend my congratulations and my cooperation in advance," sabi ni Cayetano sa isang pahayag sa Facebook.
Kung matatandaan, 12 senador ang nagsagawa ng sesyon sa Senado noong Hunyo 3, na nagdeklara ng quorum batay sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong Avelino v. Cuenco. Bumoto sila para ideklarang bakante ang lahat ng halal na posisyon sa Senado, kabilang ang pagkapangulo ng Senado.
Si Gatchalian ang nahalal na Senate President Pro Tempore at kinilala ng mga dumalo bilang Acting Senate President.
Hinimok ni Cayetano at walong iba pang senador nitong Martes ang Korte Suprema na ideklarang walang bisa ang sesyon noong Hunyo 3.
Sa espesyal na sesyon nitong Miyerkoles, iminungkahi at nahalal din bilang bagong Senate President Pro Tempore si Sotto.
Umupo naman si Zubiri, na dating nahalal bilang Senate Majority Leader, sa posisyon bilang chairperson ng Committee on Rules.
Kapwa nanumpa sina Sotto at Zubiri.
Naghalal din ang bagong pamunuan ng Senado ng mga chairperson at miyembro ng mga permanenteng komite. —VBL GMA News

