Sugatan ang tatlong babae matapos ang walang habas na pananaksak ng isang lalaki na kanilang nakasalubong sa daan sa Paris, France.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, mapanonood sa video na isang lalaki ang may hawak na dalawang kutsilyo habang naglalakad sa kalye.

Sinabi ng uploader na bago nito, nakita niyang may sinaksak na babae ang lalaki.

Kaya siya sumigaw para bigyang babala ang mga nakakasalubong ng lalaki.

Kalaunan, nakorner ng mga awtoridad ang lalaki at hinuli ito.

Ayos sa pulisya, tatlong babae sa kabuuan ang sinaksak. Malala ang mga sugat ng dalawa sa kanila.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng lalaki at ang kaniyang motibo sa pananaksak. —Jamil Santos/VBL GMA News