Inakusahan ni Leyte Representative Martin Romualdez si Atty. Levi Baligod na nag-aalok umano ng pera sa mga dating kawani ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, at iba pa, upang sumama sa 18 dating bodyguard sa pagbibigay ng testimonya na kabilang ang dating Speaker ng Kamara de Representantes sa mga tumanggap ng male-maletang may lamang pera kaugnay ng iskandalo sa flood control projects.

Ang pahayag ay nakasaad sa supplemental counter-affidavit na isinumite ni Romualdez sa Office ot the Ombudsman nitong Biyernes, Agosto 21, bilang tugon sa mga reklamong plunder, graft, bribery, at money laundering na inirekomenda laban sa kaniya ng mga prosekusyon ng Ombudsman.

Kabilang sa mga ebidensiyang iniharap laban kay Romualdez sa Ombudsman ang magkakahiwalay na affidavit ng mga dating bodyguard ni Co, na nagsabing naghatid sila ng mga maleta na naglalaman umano ng pera sa Speaker.

Gumawa rin ng kani-kanilang affidavit ang 13 dating kawani ni Co, na inalok umano ni Baligod ng pera upang idiin si Romualdez. Kalakip ito sa supplemental counter-affidavit na inihain ng dating Speaker,

Kinabibilangan ito nina:

  • Eduard Lupian, former security detail of Co from December 2023 to December 2025
  • Eric Soriano, former security detail of Co from February 2024 to February 2026
  • Arnilo Ramirez, Sunwest employee and backup driver and security detail of Co’s wife Marlyn
  • Nelson Paira, driver and security detail of Co’s wife Marlyn and daughter Zoe from January 2019 to January 2026
  • Henry Oabina, Co’s driver and security personnel from February 2024 to December 2025
  • Jerick Alamil, Co’s security detail and backup driver from March 2023 to February 2026
  • Willson Urmanita, Co’s driver and security detail from November 2024 to December 2025
  • Dennis Loma, Co’s driver and security detail from March 2022 to February 2026
  • Moises Limboy, Co’s security detail from October 2024 to December 2025
  • Mark Bunagan, Co and his family’s bodyguard from April 2022 to January 2026
  • Jovito Bunagan, Co’s bodyguard from March 2021 to January 2026
  • Bryan Lazaga, Co’s security detail from December 2023 to December 2025
  • Ranjie Paga, Co’s bodyguard from February 2022 to February 2026

Ayon sa 13 dating empleyado, pinangakuan sila ng pera kapalit ng pag-aakusa kina Romualdez at Co, na tumanggap umano ng malaking halaga ng pera na nasa mga maleta bilang kickback mula sa mga proyekto ng gobyerno na inihatid ng mga bodyguard.

Si Baligod ang tumatayong abogado ng18 dating bodyguards ni Co na nag-akusa kay Romualdez at ilang pang opisyal na pinaghatiran umano nila ng pera.

Humingi na ng komento ang GMA News Online kay Baligod tungkol ditto at agad na ilalathala ito kapag natanggap na.

Ayon sa isa sa mga gumawa ng affidavit, sinubukan umano siyang kumbinsihin ni Baligod na tumestigo laban kay Romualdez sa pamamagitan ng isa sa mga dating bodyguard, na kalaunan ay binawi rin ang kaniyang mga pahayag laban sa dating Speaker.

Mayroon ding 12 iba pang magkakahiwalay na affidavit mula sa mga dating empleyado ni Co na kalakip ng supplemental counter-affidavit ni Romualdez. Gayunman, hindi binanggit ng 12 pang katao si Baligod o ang nagpahayag ng anumang akusasyon na inalok din sila ng pera.

Sa kabila nito, sinuportahan ng 12 indibidwal ang pahayag ng 13 dating empleyado na wala silang nakitang paghahatid ng mga maleta na naglalaman umano ng cash kickbacks noong nagtatrabaho sila kay Co.

Kamakailan lang, binawi ni Orly Guteza, isang dating sundalo at dating security aide ni Zaldy Co, ang kaniyang naunang pahayag na naghatid siya ng mga maleta na puno ng pera kay Romualdez.

BASAHIN: Guteza, bumaligtad at binawi ang mga alegasyon niya laban kay RomualdezFRJ GMA News