Asahan ng mga motorista ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo dahil pa rin sa sigalot ng US at Iran na nakaaapekto sa pandaigdigang kalakalan ng petrolyo.

Batay sa mga pagtaya sa galaw ng merkado sa Mean of Platts Singapore at average sa halaga ng palitan ng piso kontra dolyar sa nakalipas na apat na araw, inihayag ng isang source mula sa industriya ng langis ang tinatayang magiging dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo:

  • Diesel - P1.75 hanggang P2.25 per liter
  • Gasolina - P1.00 hanggang P1.50 per liter

“Oil prices climbed due to a rebuild in the geopolitical premium as prospects for a diplomatic solution to the US-Iran conflict and normalization of navigation through the Strait of Hormuz have dimmed,” ayon sa industry source.

“With the expiration of the mid-June US-Iran MOU and both sides expressing intentions to take a harder line, markets are pricing in the possibility of a prolonged crisis,” dagdag ng source.

Inaanunsyo ng mga kompanya ng langis sa Lunes ang official price adjustments, at ipatutupad naman sa susunod na araw ng Martes.

Nitong nakaraang Lunes, iniulat din ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na umaabot sa P2.49 per liter sa gasolina; P3.84 per liter sa diesel; at P5.01 per liter sa kerosene. – Ted Cordero/FRJ GMA News