Sa kaniyang pagsalang sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, natanong si Angelica Hart kung nakatanggap ba siya ng mga indecent proposal at kung tuluyan na rin ba niyang tatalikuran ang pagpapa-sexy sa kaniyang mga proyekto? Alamin ang kaniyang sagot.

Kasama ni Angelica na naging guest sa programa ni Tito Boy si Buboy Villar, na co-star niya sa Kapuso action series na “Taskforce Firewall."

Mula sa sexy roles, napapanood na ngayon si Angelica sa mga TV series na may temang aksyon at comedy. Kaya naman natanong ang magandang aktres kung iiwan na ba niya ang pagpapa-sexy.

“Hindi naman po totally na iiwan [ang pagpa-sexy]. Feeling ko ititira ko pa rin po siya as sexy comedienne or a sexy action star. Pero yung paghuhubad lang po siguro yung hindi na kaya,” ani Angelica.

Sa naturang panayam, inamin din ni Angelica na nakatanggap siya ng mga indecent proposal na ipinapadaan sa social media o kaya ay sa mga taong nakatrabaho niya.

Mayroon umanong nag-aaya sa kaniya ng “date” at handang magbayad ng “kahit magkano” o kung tawagin umano ay "open budget."

Sinabi ni Angelica na umaabot sa milyon piso ang halaga ng tinatawag na open budget.

Ayon sa aktres, hindi naman siya nakakaramdam na nababastos sa mga alok dahil sa hindi niya pinapansin ang mga ito. Mas nasasaktan umano siya kapag may mga nag-iisip na tumanggap siya ng alok.

Inihayag din ni Angelica na nais talaga niyang mag-artista noon at sinadya niyang magpa-sexy nang makapasok sa industriya. – FRJ GMA News

Angelica currently appears on "Taskfore Firewall," which also stars Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Kylie Padilla, Luis Hontiveros, and Lexi Gonzales among others.

On Friday, she appeared on "Fast Talk" with Buboy Villar, who is also part of the cast of "Taskforce Firewall." — LA GMA News