Natutuwa si Kapuso star Kim Domingo dahil bukod sa ire-release na ang kanyang photo book para sa mga fans, mapapabilang pa siya sa listahan ng 100 sexiest women ng isang men's magazine.
Biggest 'treat' daw ni Kim para sa fans ang kaniyang photo book kung saan tampok ang kanyang celebrity journey, mula sa pagiging modelo, online sensation, hanggang sa maging artista.
"Itong book na 'to, mas makikilala ako ng fans ko, kung saan ako nagsimula. Puwede ko ring masabi na pwedeng makapagbigay din ng inspirasyon sa kanila 'pag nabasa nila, kasi doon nila makikita rin 'yung pinagdaanan ko before ako mapunta sa showbiz. By the end of this month, hopefully mailabas na siya sa bookstores," anang aktres sa ulat ng GMA News "Unang Balita."
Dapat daw abangan kung pang-ilan si Kim sa 100 sexiest women ng isang men's magazine.
"July daw ilalabas. Masaya at saka kinakabahan din kasi ako rin, naghihintay rin ako pero sabi ko nga, kahit anong resulta, happy ako dun."
Ibinahagi rin ni Kim ang kaniyang everyday style at outfit secrets para maging sexy at happy ang mga kababaihan.
Una, para kay Kim ay mas astig daw kung naka-comfy shirt and pants ang girls on normal days, na taliwas sa kanyang image.
"Pag normal days, 'pag wala naman akong taping, nagpa-pants lang ako. Actually, 'yung iba nga nagugulat. Sabi nila, 'Alam mo, mas bagay pala sa'yo naka-pants. 'yung medyo balot na balot ka," paliwanag niya.
Ipinayo rin ni Kim na maglagay ng hair accessories para mas maging maganda sa school uniform.
"Para mas mukha akong young-looking, nag-ipit ako ng pa-side para kunyari sweet girl lang," anang Kapuso Pantasya ng Bayan.
Pangatlo, inirekomenda ni Kim na stretchable dapat ang dress para makita ang figure.
"Mas gusto ko kasi sa dress 'yung stretchable talaga, 'yung hapit talaga siya sa katawan. Para kahit papaano, kumokorte siya. Hindi ako mahilig magsuot ng maluluwag na dress," patuloy ng aktres.
At pagdating sa pagsusuot ng bikini, be confident.
"Maging confident ka lang, 'di ba? Kahit anong two-piece isuot mo, basta confident ka sa sarili mo, maganda kalalabasan nun," payo niya.
Abangan si Kim sa "D' Originals" at "Bubble Gang." -- Jamil Santos/FRJ, GMA News
