Bukod sa pagiging ina, sinabi ng Kapuso TV host-actress na si Donita Rose na nagsisilbi rin siyang best friend sa anak niyang si JP.
Sa panayam ng showbiz press nitong Martes sa bago niyang cooking capsule show na "Heart Mate Kitchen," sinabi ni Donita na kahit naghiwalay na sila ng kaniyang mister na si Eric Villarama, nagkasundo naman sila na mag-'co parenting' sa kanilang anak.
"JP's dad and I both agreed that we would really put the past behind us and help raise him together. The term is co-parenting. We co-parented my son. Sa ngayon, wala namang problema dahil sa FaceTime. So kung may issue, kaming dalawa ang nando'n. Kumbaga his dad is there and I'm there," paliwanag ng aktres.
Gayunman, inamin ni Donita na hindi niya maiwasan na malungkot kapag nagsasabi ang kaniyang anak na sana ay mayroon siyang mga kapatid.
"The only sad thing is that JP wishes sometimes that he has a brother or sister that he could go through this with. Ang maganda naman, my relationship with my son is like, I am his mom, but I'm more relational, I'm more like we're best friends. So I always make it a point to make my son my number 1 priority, not my career," saad.
Katunayan, may isang taon din hindi naging aktibo si Donita sa showbiz dahil kinailangan niyang tutukan ang ilang personal na usapin. Ngayong maayos na umano ang lahat, handa na uli siyang sumabak sa trabaho.
Pero bukod sa showbiz, ang isa pa raw sa kaniyang pinagkakaabalahan ngayon ay pagluluto para na rin sa kaniyang anak.
"That's one of the reasons why I wanted to focus on culinary-work-from-home, I try to make it a point na kapag umuuwi siya ng school, nandu'n na ako," pagpapatuloy ng aktres.
Nagkwento rin si Donita kung paano nakatulong ang payo ng kanyang pastor para mas maintindihan niya ang nangyari sa kaniyang buhay.
"You know my pastor, when I was still single, my spiritual mentor told me, 'I wanna challenge you to make God your 'first love.' At that time, I was in bible school, I was with MTV. I was going to bible school for two years. I really made it a point to make it happen," aniya.
"So nagulat ako sa kanya when he said 'I want to challenge you to make God your first love.' I'm like, I go to Tuesday prayer meetings at 6am, I do ministry, I'm in bible school, how could you possibly tell me na parang hindi pa first love ko si Lord?," patuloy niya.
"Pag kinasal ka na, hopefully you will marry someone who also makes God his first love, para 'pag nagkaroon ng mga alitan, both of you will run back to your first love which is God and He will bring you back together. So siyempre ang ending nu'n, naghiwalay din kaming mag-asawa," pagbahagi ng aktres.
Dito umano niya napagtanto na kailangan niyang mag-move on sa mga nangyari sa kaniyang buhay at bumalik sa kaniyang "first love."
"Hindi pala ako perfect, hindi pala ako sapat para sa kanya. Because I'm fallen and and no matter how hard I tried to save my relationship with him, parang hindi pa rin ako sapat sa kanya."
"I've never felt incomplete because our spouses should never complete us. It's the One upstairs who should really complete us, kasi kung hindi Siya ang magkukumpleto ng buhay mo, you're gonna be sorrily disappointed," paliwanag niya. -- FRJ, GMA News

