Sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," ikinuwento ni Julia Clarete kung papaano niya nakilala ang kaniyang naging asawa— ang Irish na si Gareth McGeown. Ibinahagi rin ni Julia na isang Kapuso host ang ginamit na tulay ni Gareth para makuha ang kaniyang cellphone number. 

Matapos mawala sa "Eat Bulaga" noong nakaraang taon upang manirahan sa Malaysia at bumuo ng pamilya, ikinasal si Julia sa kaniyang kasintahan na si Gareth sa Ballynahinch Castle Hotel sa Ireland noong nakaraang buwan.

BASAHIN: Julia Clarete, nagpaliwanag kung bakit wala siya sa 'Eat Bulaga'

WATCH: Julia Clarete, na-discover habang papunta sa pila ng tricycle

Sa episode ng "KMJS" nitong Linggo, ikinuwento ni Julia kung paano niya nakilala si Gareth sa isang golf event, at dito inamin ng dating TV host-actress na noong una ay hindi siya interesado dayuhan.

Alamin kung sino ang Kapuso TV host na ginamit na tulay ni Gareth upang makuha ang cellphone number ni Julia, na naging simula para magkausap sila nang madalas, at humantong sa wagas na pagmamahalan. Panoorin:


Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News