Sa pagdiriwang ng kaniyang ika-25 na kaarawan, isang sweet message ang natanggap ni Kapuso star Max Collins mula sa kaniyang fiancé na si Pancho Magno.
Sa Instagram post, sinabi ni Pancho na mami-miss na niya ang nobya, na nagbabakasyon kasama ang pamilya.
Nilagyan ito ng caption ni Pancho na "To my ONE and ONLY LOVE. Happiest birthday to you @maxcollinsofficial i will miss you soooo much! Enjoy your vacation with your family."
Sa Star Bites report naman ni Aubrey Carampel sa GMA News "Balitanghali," sinabing nasa planning stage na raw ang dalawa para sa kanilang wedding.
Sabi pa ni Max, kinokonsulta na niya ang kaniyang best friend na si Rochelle Pangilinan na kakakasal lang kay Arthur Solinap.
Sinusuyo raw niya ang kaibigan na tumayo bilang isa sa mga bridesmaid.
"Yung gusto ko talaga, garden wedding, gusto ko maraming flowers, maraming pagkain, masaya lahat," sabi ni Max.
Noong nakaraang Sabado, gumanap ang real-life sweethearts na sina Max at Pancho bilang mag-asawa na hirap magkaanak sa drama-anthology na "Magpakailanman."
"At the end of the day, when you can't have a child, oo nga naman, bakit hindi ka na lang mag-adopt?" saad ng aktres.
Bilang pagdiriwang naman ng kaniyang kaarawan, nagbigay si Max ng free makeover session at ilang beauty tips sa mga piling estudyante ng Colegio de San Lorenzo.
Isa sa mga payong ibinigay ni Max sa Q&A session, "You just don't give up, like don't ever give up."
Kuwento ni Max, masaya siya na makapagbahagi ng kaniyang nalalaman sa mga estudyante.
"Mga mass com students sila, baka in a way I can also share some things I know about the industry to help them," anang aktres. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News
