Sa programang "Tonight with Arnold Clavio," ibinahagi ng mga comedian na sina Osang at Doc Beki, ang kanilang karanasan sa ilang pasaway na taxi driver. Si Ate Gay, nalalampasan naman daw ng mga taxi.
Ayon kay Doc Beki, madalas daw siyang may nakakaaway na taxi driver.
Isang beses daw sa airport, isinakay muna siya ng driver saka siya kinontrata.
"Kuya ibaba mo na lang ako anywhere, hindi na ako sasakay," sabi niya sa driver, pero hindi raw siya binaba at pinagbayad pa ng P300.
Ikinuwento naman ni Osang ang karanasan nang mapaaway siya sa taxi driver na nagsakay sa kaniya.
Sumakay daw si Osang ng taxi pauwi galing sa kanyang mga show. Pero dahil sa pagod, nakatulog siya sa biyahe.
Maya-maya, naalimpungatan siya nang may marinig na mga dumadaan na sasakyan. Paggising, nakita niya na nakatirik pala ang taxi sa EDSA, habang natutulog din ang driver.
"Manong nasa EDSA tayo! Matulog? Matulog? Pagod ka din?" sabi niya sa taxi driver.
Ikinuwento naman ni Ate Gay, na karanasan niya na bumaba sa bus kahit hindi pa niya destinasyon dahil sa kailangan na niyang maghanap na palikuran.
Panoorin ang masayang kwentuhan sa "TWAC:"
-- Jamil Santos/FRJ, GMA News
