Hindi raw nalalayo sa tunay na buhay ang bagong GMA romantic-comedy series na pagbibidahan ng mga Kapuso star na sina Rhian Ramos, Lovi Poe at Max Collins, na tungkol sa istorya ng tatlong babae na naging magkakaibigan at pawang naging ex-girlfriend ng iisang lalaki.

 


Ayon sa tatlo, naranasan na rin nila sa tunay na buhay na maging kaibigan ang ex-girlfriend ng kani-kanilang naging boyfriend.

"I think I've been, not super duper close, but friends with them, like 'Hello!', normal lang na conversations with someone na ex ng ex ko rin. Nangyari na rin 'yon," saad ni Lovi sa ginanap na press con nitong Huwebes.

Maging ang pakikipagkaibigan sa ex boyfriend, wala ring nakikitang masama si Lovi.

"I think it's okay naman to be friends with your ex. At some point in time, you shared a life together, ilang taon man o buwan man kayong nagsama," dagdag niya.

Si Rhian naman, sinabing nagkaroon ng kaibigan na ex ng kaniyang dating nobyo.

"I've had an ex of my ex saved me from my ex so I'm super friends with her. I'm on her side, she's on my side, so it's girls looking out for each other," pagbahagi ng aktres.

Sinabi pa ni Rhian na dapat ituring pa rin na "success" ang pagpasok sa isang relasyon kahit hindi ito nagtuloy-tuloy.

"I've learned so much from my relationships. Even if they have ended, I still feel like it's a success dahil sa lahat ng natutunan ko," paliwanag niya.

Samantala, hindi man nararanasan ni Max na maging kaibigan ang kaniyang ex-bf pero wala siyang nakikitang masama rito.

"I'm not friends with any of my exes, pero okay naman if you're friends, that's nice. I'm just not friends with any of them. It sounds so bitter 'no? Wala lang, hindi lang kami naging friends," lahad niya.

Pero pagdating sa ex ng kaniyang ex-bf, "I am best friends with someone who was an ex of my ex. During the time, I [asked a girl if it's okay if I date with her ex,] okay naman daw. Naging kami [ng first boyfriend ko]and then nung naghiwalay kami, naging best friends kami ng girl." 

Abangan ang bagong GMA rom-com soap na ito sa GMA. -- FRJ, GMA News