Hindi maitago ni Kapuso actor Mark Herras na mami-miss niya ang kanyang girlfriend na si Winwyn Marquez na pambato sa prestihiyosong Reina Hispanoamericana 2017.
Lumipad na si Winwyn nitong Huwebes papuntang Santa Cruz, Bolivia. Para sa kanya, isa itong hamon dahil siya ang pinakaunang Pilipina at pinakaunang Asian na lalahok sa kompetisyon.
Bilang isang supportive boyfriend, nag-iwan si Mark ng mensahe para kay Winwyn sa Instagram para lumakas ang kanyang loob.
"I’ll miss you panggaa!! Goodluck sa laban mo! Sobrang proud kameng lahat sayo.. balik ka agad ah... mahal na mahal kita ga," caption ni Mark.
Nag-iwan pa si Mark ng isang dasal para sa kaligtasan ni Winwyn at kanyang mga kamag-anak.
"Father God please bless this amazing woman,her tita aileen & her brother yeoj .. maging safe sila sa mga pupuntahan nila, wag nyo po silang papabayaan #reinateresita" ayon kay Mark.
"Unang-una mahal ang pamasahe...I don't want him to spend that much. Mawawala yung focus ko eh. Kung alam kong nandun siya iisipin ko anong ginagawa niya, kumain na ba siya, ganon. OK lang na hindi siya pupunta. He has a show, so OK na yun," ayon kay Winwyn.
Gaganapin ang Reina Hispanoamericana 2017 coronation night sa Nobyembre 4. —Jamil Santos/JST, GMA News
