Naging emosyonal si Kylie Padilla nang magkita na ang kaniyang anak na si Baby Alas at ang kaniyang ama na si Robin Padilla.
Nangyari ang unang pagkikita ng mag-lolo nang dumalo si Kylie, kasama si baby Alas sa first birthday ng anak nina Robin at Mariel Rodriguez na si baby Isabella.
Mula nang isilang ni Kylie si Alas, na anak nila ni Aljur Abrenica, ngayon lang ito nakita ni Robin, kaya hindi napigilan ng aktres na maiyak.
Makikita naman sa Instagram account ni Robin ang video sa pagkikita nila ng apo na si Alas.
Nagpasalamat ang aktor sa lahat ng tumulong para makita ang kaniyang apo.
-- FRJ, GMA News
