Matagumpay man sa showbiz kung saan naipamalas nila ang kanilang galing sa aktingan, mga "business-minded" din ang ilan sa mga Kapuso stars kung saan nakahiligan na nila ang pagnenegosyo.
1. Kapuso Comedy Queen AiAi delas Alas. Sa "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing bago magtapos ang 2017, binuksan na ni AiAi ang bago niyang restaurant, na itinuturing niya rin na bagong "baby."
"Ang bagong baby. Every day halos nandito ako para, siyempre 'yung iba natutunan ko na sa negosyo since ito 'yung third reborn. Ang first namin noon-noon pa, mga year 2000," anang komedyana.
2. Martin del Rosario. Maliban sa adbokaserye na "Hindi Ko Kayang Iwan Ka", abala si Martin sa kaniyang bar and restaurant. "Lima kaming owners. Naisipan kong magnegosyo ng bar, kasi noon mahilig lang akong lumabas, at least ngayon hindi na ako lalayo, du'n na lang ako," sabi ni Martin.
3. Glaiza de Castro. Talent at sariling travel agency naman ang tinututukan ni "Contessa" lead star na si Glaiza. Co-owner din siya ng isang restaurant.
"Since passion ko talaga 'yung pagta-travel hindi mahirap para sa akin na pagsabayin. Malaking tulong sa akin ng travel agency ko ay 'yung pag-aareglo ng visa, pagkakausap sa mga land transfers, mga tours."
4. Rocco Nacino. Pumasok na rin sa food business si Rocco Nacino, na makakailan lang ay nagtapos ng cum laude sa kaniyang masteral degree. Co-owner din ang "Haplos" lead star ng isang boxing gym.
5. Marvin Agustin. Tanyag na restauranteur si Marvin at kamakailan lamang, ay nagbukas uli ng panibagong restaurant.
Mayroon ding sariling restaurant si Marvin kung saan tampok ang sariling niyang recipes.
6. Oyo Boy at Kristine Sotto. Hilig ng mag-asawa ang mag-biking, kaya naman nagbukas sila ng isang bike shop na cafe pa.
— LA, GMA News
