Kilala sa kaniyang pagiging magaling na radio at TV personality, pero lingid sa kaalaman ng marami, lumaki si Joyce Pring sa Tondo, Maynila at sa pagdesiplina ng kaniyang lola.
Kilala sa kaniyang pagiging magaling na radio at TV personality, pero lingid sa kaalaman ng marami, lumaki si Joyce Pring sa Tundo at sa desiplina ng kaniyang lola na Waray.
"'Yun yung isa sa mga istorya na lagi kong sinasabi na hindi ako ever nakauwi sa probinsiya. Kasi yung lola ko Waray and then my lolo's side naman I think they are all based in Laguna. Pero hindi po ako yung 'pag halimbawa Holy Week may inuuwian na probinsiya kasi Manila lang talaga kami," kuwento ni Joyce kay Rhea Santos sa programang "Tunay Na Buhay."
"I grew up in Tondo and then Santa Mesa, ipinanganak po ako doon talaga. Binondo girl ako," sabi pa niya.
Ikinuwento ni Joyce na bata pa siya noon nang maulila siya sa ama na isang pulis.
Muling umibig ang kaniyang ina at pagkaraan ay nagtrabaho sa ibang bansa. Naiwan na si Joyce pangangalaga ng kaniyang stepdad at lola.
"Opo, lumaki ako sa stepdad ko ever since 4-years-old ako siya na 'yung kinalakihan ko so I'm very close to my dad that way. Wala na akong memory of my biological dad," sabi ni Joyce.
Hindi man siya lumaki na kapiling ang tunay na ama, sinabi ni Joyce na marami ang nagsasabi na kaugali niya ito.
"No nothing, all photos that I've seen but my lola would always say na kaugali ko raw 'yung papa ko. Pero ang nakakatawa kasi ngayon naman that I've grown up, naalala ko I feel like I connect most with my dad sometimes even more than my mom," sabi niya.
Naalala naman ni Joyce ang mahigpit na pagpapalaki sa kaniya ng kaniyang lola, na ngayon ay ipinagpapasalamat niya.
"Pero lagi ko ikinukuwento sa friends ko na nakakatakot siya or parang during that time sobrang feeling ko aping-api ako. Pero when I think about it now, iba 'yung disiplina kapag may palo 'yung bata," saad niya.
Bata pa lang, bibo at masahin na raw si Joyce.
"Kumanta, sumayaw, magperform, mag-aral. Dati po kapag sinabihan ako ng lola ko 'Oh anak kanta ka,' humahanap talaga ako ng upuan tapos tatayo ako doon tapos tsaka ako magpe-perform. Hindi ako papayag na nakatayo lang ako dito, hindi kailangan nakatingin ka," kuwento niya.
Labingwalong-taong gulang naman si Joyce nang magsimula siyang mag-host para sa isang music channel. Kuwento niya, naging kapansin-pansin ang kaniyang strong personality.
"Nu'ng nag-uumpisa pa lang ako sa industry, nagagalit sa akin 'yung crew or kung sino man kasi siguro during that time parang sanay sila na dapat kung bagong salta ka sa tv or broadcasting, 'Opo, sige po,' ganu'n 'yung personality, eh hindi ganu'n 'yung personality ko. Ako si 'Ah ganu'n po ba 'yung spiels? Ah okay sige thank you,' ganu'n lang po ako eh," ayon pa kay Joyce.
Mahusay na host at radio DJ, kinahihiligan din ni Joyce ang triathlon.
"'Yung triathlon nagstart lang siya kasi hindi po ako marunong magswim, so I enrolled in swim classes. Doon lang po siya nag-umpisa. Nagkataon lang po na 'yung coach ko for swimming is an IRONMAN Certified Coach, sabi niya 'Oh nagswimming ka na naman, ituloy mo na ng triathlon!'"
"God is sovereign and good in my life, but at the same time you always have to do your part of being kind, working hard and maximizing 'yung time and potential mo," aral ng tunay na buhay ni Joyce.-- FRJ, GMA News

