Matapos maglabas ng “tell-all” autobiography si Mark Bautista, susunod na rin kaya si Paolo Ballesteros?

READ: Mark Bautista, inamin ang 'intimate relationship' sa kaibigang lalaki sa kaniyang memoir

Pero ayon sa "Eat Bulaga" dabarkads, kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon, mas gugustuhin niyang magkaroon ng libro tungkol sa kaniyang expertise, ang makeup transformation.

Lahad niya, “Actually, ang gusto kong gawin before pa is yung compilation ng mga makeup transformations ko.

“Kaya lang, wala pa akong makitang time.

“Gusto ko, ako lahat ang gagawa, ako ang magpi-picture, uulit ka sa lahat.

“Memeykapan ko ang sarili ko, medyo mahaba-habang time, e.

“Medyo busy kaya naurong."

Bakit ayaw niya gumawa ng autobiography?

“Kailangan pa ba na i-reveal?

“Ako kasi, lalo kaming mga Dabarkads, araw-araw n'yo kami na napapanood sa TV.

“Most of the time, yung araw namin, nasa TV lang.

“Kumbaga, kung ano yung nakikita n'yo sa 'Eat Bulaga,' yun na 'yon.

“Hindi ka puwedeng magkunwari doon,” diin ni Paolo nang interbyuhin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng "Amnesia Love."

Nang mapag-usapan ang pag-amin ni Mark na bisexual ito, sinabi ni Paolo na bilib siya sa singer-actor.

Pahayag niya, “Hindi dapat i-judge si Mark.

“Ang tapang niya nga kasi sinabi niya.

“In a way, parang, kebs ko.

“Ako nga patumpik-tumpik, pa-joke-joke eh pero siya, isinulat pa niya sa libro.

“Siguro kasi nagtrabaho siya sa New York.

“Siguro, doon niya nakilala ang sarili niya kasi yung mga tao sa New York, sobrang open, di ba?”-- For more showbiz news, visit PEP.ph