Sa kaniyang blog post, ibinahagi ni Saab Magalona ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ng isa sa kambal niyang anak.
“On February 8, we lost our baby girl,” bahagi ng post ni Saab sa kaniyang blog nitong Martes, na nataon din sa ika-9 na taong anibersaryo ng pagpanaw ng kaniyang ama na si Master Rapper Francis Magalona.
Patuloy ng mang-aawit, nasa Neonatal Intensive Care Unit ng ospital ang isa pa sa kambal na lalaki naman. (Basahin: Saab Magalona, kambal ang ipinagbubuntis)
"He has fought through so many complications and had to undergo surgery and is thankfully doing much better today," pagbahagi ni Saab.
Dagdag pa niya, “So many things happened in the last month. There are so many people we could blame and be angry with, but each time we hold our boy, we think otherwise, he’s been fighting to be part of this world and it’s our responsibility to make it one that is forgiving—one that tries to see the best in other people.”
Ayon kay Saab, hindi sana niya nais na ilagay sa kaniyang blog ang malungkot na bahagi ng kaniyang buhay. Pero sa huli, nagpasya siyang ilabas na rin ito sa araw ng paggunita sa pagkawala ng kaniyang ama.
“I need to honor her. She was such a beautiful girl and we believe she gave her life for me and her twin brother,” pahayag niya. -- FRJ, GMA News
