Kahit busy sa taping ng "Sherlock Jr.," naglalaan pa rin daw ng panahon ang magka-love team na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid na makapag-workout dahil batid nilang mahalaga ito sa kanilang kalusugan at pangangatawan.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, kapansin-pansin ang magandang pangangatawan nina Gabbi at Ruru, lalo pa't papalapit na ang summer.
"I go to the gym regularly. I learned na it's a must," sabi ni Gabbi.
"Actually nakakatulong din 'yung mga fight scenes ko rito sa 'Sherlock Jr.' dahil siyempre, cardio na rin 'yun eh. And talagang pagka wala ako sa taping, nasa gym ako, 'yun talaga, or basketball," sabi ni Ruru.
Sabi ng dalawa, lalo pang magiging kaabang-abang ang mga eksena sa "Sherlock Jr.," kung saan kasama rin nila ang Kapuso star heartthrob na si Andre Paras.
Tila may nabubuo namang "love quadrangle" sa serye sa halip na love triangle.
"Nakakatuwa 'yung eksena namin kasi may nagshi-ship na rin sa aming dalawa ni Andre," pabirong sabi ni Ruru.
"Comfortable na kami and sobrang saya lang nu'ng atake namin sa scenes," sabi ni Gabbi. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News
