Sa programang "Tunay Na Buhay," ipinamalas ng Kapuso actress na si Thea Tolentino ang husay niya sa pagbasa at pagsasalita ng Nihonggo na kaniyang pinag-aaralan.

Saad ni Thea sa host ng programa na si Rhea Santos, hindi madali ang mag-aral ng Nihonggo lalo na umano ngayon na sa bumubuo na umano sila ng pangungusap.

Katunayan, may nakatakda siyang pagsusulit sa July 1 na kailangan niyang ipasa.

Bukod sa pag-aaral ng Nihonggo, 3rd year college student na si Thea sa Trinity College of Asia sa kursong Business Administration Major in Public Administration. -- FRJ, GMA News