Bukod sa pagiging artista, aktibo rin bilang choir member sa simbahan ang balik-Kapusong si Wendell Ramos.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabi ni Wendell na bata pa lamang siya ay naglilingkod na siya sa simbahan, at gusto niya itong mapanatili at magaya ng mga anak.

"When I was in grade school, nagse-serve na ako sa church as a sacristan. So ngayon na may age na ako and I have my kids, as a father, kailangan gumawa ako ng, nag-isip ako na ano ba pupuwede ko aside from du'n sa magpunta ako sa church or mag-serve ako every Sunday. So kailangan gusto ko, kung ano 'yung ginagawa ko, magaya nila," kuwento ng aktor.

"Pero hindi ko sila pine-pressure na ngayon na kaagad. It's my way of giving thanks, giving back kay God na kaya nagse-serve ako, even on Sundays. That's why I don't work on Sundays," pahabol niya.

 

Malaki rin ang pasasalamat ni Wendell, na nakasal na sila sa simbahan noong Disyembre ng kaniyang partner.

"One of the best things, best gift na natanggap ko sa buong buhay ko is 'yung ma-blessed ako sa kasal with my wife," saad niya.

 

Best Buddy

Kuwento rin ng aktor, hanggang ngayon ay madalas pa niyang nakakasama at nakaka-bonding ang kaibigan at ka-"Bubble Gang" na si Antonio Aquitania.

"Basketball. Marami kaming pinagsasamahan ni Antonio. Parang kapatid 'yun eh. Biruin mo ibang liga 'yan, hindi kami nagkausap niyan pagdating diyan 'yan na," sabi ni Wendell.

 

Balik-Kapuso si Wendell matapos ang pitong taon, na bahagi ng upcoming primetime series na "Onanay" kung saan makakasama niya ang Superstar na si Nora Aunor.

"Lahat nakaka-miss dito so I'm very excited to work. Enjoy ka agad, parang dati lang din, ang galing, ang sarap ng feeling. Actually to be a part of this show, with her (Nora Aunor) show, napakalaking bagay," ayon sa aktor.

Nakilala si Wendell sa pagiging isang certified hunk sa loob ng 16 taon niyang pagiging Kapuso.

Gayunman, bagets pa rin ang dating ni Wendell, dahil sa kaniyang fit at healthy na lifestyle.

 

#Hitcon done for today! ???? ???? ???? #justgothit #godisgreatallthetime

A post shared by Wendell Ramos (@wendellramosofficial) on


"Dito sa work natin kailangan hindi ka masyadong malaki dahil nag-expand ka sa screen. So right now ang ginagawa ko lang is to maintain that tapos 'yung conditioning training, and more on diet," sabi ni Wendell.-- FRJ, GMA News