Sa unang pagkakataon, nagbigay ng "Puso Ng Saya" Award ang "Sunday PinaSaya" para bigyan ng pagkilala ang mga taong naghatid ng saya sa mga tao. Ang unang pinagkalooban nito ang beteranong komedyante na si Don Pepot na minsan na rin nabiktima ng "fake news" dahil napapaulat na pumanaw na.

Alamin ang naging ambag ni Don Pepot o Ernesto Fajardo, sa tunay na buhay, sa industriya ng teatro at showbiz, at ang kuwento ng kaniyang buhay.

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

-- FRJ, GMA News