Pagdating sa mga babae at pakikipag-date, nagkaalaman ng kani-kanilang pananaw ang mag-tatay na sina Benjie at Andre Paras, at nadiskubreng mayroon silang mga pagkakaiba.

Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," sinagot nina Andre at Benjie kung pabor ba sila sa pagpapaupo sa babae sa public transportation, panliligaw sa ex ng barkada, at kung babae ang gagawa ng first move at parehas ang kanilang sagot.

Ngunit pagdating sa pagbabayad sa date, dito na nagkaiba ang mag-ama, kaya pabirong naisip Benjie, baka nga hindi magka-girlfriend si Andre.

Tinanong din ang mag-ama kung handa ba silang ibigay ang lahat-lahat para sa pag-ibig. Alamin ang kanilang mga sagot sa video. —Jamil Santos/JST, GMA News