Sa programang "Sarap Diva", ibinahagi ni Kapuso star Jason Abalos ang halos anim na taon na matibay na pagsasama nila ng kaniyang girlfriend na si Vickie Rushton. Kasama na rito ang kung paano nila sinusuportahan ang isa't isa.
Ayon kay Jason, mahiyain pa si Vickie, kaya hinahayaan niya ang girlfriend na tuparin ang mga pangarap nito. Pag-amin pa ng aktor, siya pa mismo ang todo-suporta kay Vickie sa pagsali nito sa Binibining Pilipinas.
"Ako kasi hinahayaan ko lang muna siyang lumarga para makuha 'yong confidence na kailangan niya kasi medyo mahiyain, kaya 'yong mga gusto niyang gawin, susuportahan ko."
Bilang artista, hindi maiiwasan na maraming nakakapareha si Jason na mga female celebrities kaya natanong kung hindi ba siya pinagseselosan ni Vickie. Alamin ang sagot ni Jason sa video.
— Jamil Santos / AT, GMA News
