Mapapanood bilang kambal-tuko sa panibagong episode ng "Daig Kayo Ng Lola Ko" sina sa Bianca Umali at Kyline Alcantara.
Mula sa katatapos lang nilang Kapuso hit series na "Kambal, Karibal" bilang sina Crisan [Bianca] at Cheska [Kyline], gagampanan naman nila ang magkadikit na kambal na sina Ella at Emma.
Sa istorya, isinumpa ng isang scarecrow ang kambal at dapat mapanood kung papaano nila ito malalampasan.
Mapapanood ang "Daig Kayo Ng Lola Ko," sa Linggo, pagkatapos ng "Amazing Earth." -- FRJ, GMA News
