Pagkatapos manirahan ng ilang taon sa ibang bansa ay bumalik ng Pilipinas ang Internet sensation na si Kimpoy Feliciano. Kasama siya sa GMA-7 primetime teleserye na "Inday Will Always Love You."

Pinag-isipan daw niya kung tatanggapin niya ang "IWALY" dahil kumikita naman siya sa pagba-blog sa Melbourne, Australia.

Pero nang malaman nitong si Barbie Forteza ang bida ng show ay agad-agad na tinanggap ni Kimpoy ang role bilang si Frank ang best friend ni Derrick Monasterio.

Nagkuwento siya sa PEP.ph kamakailan bago sumalang sa guesting nito sa Barangay LSFM 97.2.

"Inoffer po kasi sa akin yung show. Sabi gagampanan ko daw yung role ni Frank, best friend ni Derrick Monasterio.

"So bago ako bumalik ng Pilipinas may nakaabang na sa aking show kaya pinagisipan ko kung uuwi ako sa Pilipinas because of Inday kasi kumikita naman ako sa pagba-blog kahit nasa Melbourne ako.

"Pero nung nalaman ko na show 'to ni Barbie na top star ng GMA and primetime pa tapos best friend pa ni Derrick, sabi ko why not, di ba?

"Saka nag enjoy naman ako sa dating serye ko, yung With A Smile.

"Tapos natutuwa din ako kasi naisip nila ako na isama sa show.

"Iba kasi yung feeling na inoffer sa 'yo yung role at hindi ko na kailangang mag-audition pa.

"Siguro may nakita sila sa akin sa character ko, kaya natuwa talaga ako kaya tinanggap ko na."

After Inday, mananatili ba siya sa Pilipinas to wait for another project?

"To wait po siguro hindi, pag walang project babalik muna ako ng Melbourne.

"Pero kung before po matapos yung Inday at may project I will stay. Pero hindi rin po kasi yung maghihintay siguro.

"Okay naman kasi ako sa pagba blog at kumikita rin ako kaya babalik ako ng Australia.-- For the full story, visit PEP.ph