Abala man sa kani-kanilang mga trabaho, hindi nakalilimutan ng mga Kapuso stars ang kanilang mga inaanak kaya naman may mga preparasyon na sila para sa mga ito lalo't malapit na ang Pasko.

"Nu'ng bata ako, looking forward ako sa Christmas kasi looking forward ako sa mga aginaldo ko, kung magkano 'yung maiipon kong pera para makapanood ng sine after. Ngayong ninong ako, so ganu'n din ang ginagawa ko kasi simpleng bagay lang naman eh, kahit konting barya lang! Hindi joke lang! Ha ha! Kahit paano mapapasaya natin 'yung mga inaanak natin," sabi ni My Special Tatay star Ken Chan sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles.

Balak naman daw ni Bruno Gabriel na bumawi sa kaniyang mga inaanak na hindi niya nakasama nitong taon.

"Definitely, give presents. Pero quite frankly lately, nagiging busy ako kaya hindi ko sila nakakausap. I think that's why I owe them. I think, siguro this Christmas season it's time for me to meet them, or to reach out, hang out," saad ni Bruno.

Pagdating naman kina Kris Bernal at Inah de Belen, galante sa kanilang mga inaanak na pamangkin din nila.

"Kasi ang sarap 'pag may pamangkin ka na baby, or 'yung super young pa. So minsan 'pag lumalabas kami or 'pag kasama namin sila and may toy store. 'Sige bilhan kita ng ganiyan!' Mga ganiyan. And I'm excited kasi two of my best friends are pregnant now. So magiging ninang ako! Ninang forever!" ayon kay Inah.

Sabi naman ni Kris, "may pamangkin ako, first pamangkin ko sa sister ko. As a ninang, maregalo ako eh, maregalo ako sa pamangkin."

Si Bubble Gang babe Lovely Abella naman, praktikal sa kaniyang mga pamangkin sa pagbibigay ng mga regalo.

"Ako naman, nagpapapalit na ako ng mga bago-bagong bente. Ha ha! 'Pag naging Jennylyn Mercado na ako mga ano na 'yan, tig-P500, P1K na 'yan!" sabi ni Lovely. — Jamil Santos/LA, GMA News