Naospital si Kapuso Comedy Queen AiAi delas Alas. Bagama't hindi siya gaanong nagbigay ng detalye tungkol sa kaniyang karamdaman, may napagtanto naman daw siya tungkol sa mga "pekeng" kaibigan.
Sa isang post ni AiAi sa Instagram, makikitang kasama niya sa ospital ang anak na si Vito at fiancé nito na si Shanna.
"With sancho and shaning .. gagaling ako #lbmconuti" caption ni AiAi.
Makikita rin na sinamahan si AiAi ng duktor niyang si Doctora Cham na isang gastroenterologist.
Sa isa pang hiwalay na post, naalala ni AiAi ang mga panahon noon na nagkasakit din siya pero mas maraming bulaklak at mga pagkain ang pinapadala sa kaniya.
Ngunit iba na raw ang sitwasyon ngayon. Pero nilinaw niya na hindi siya nagrereklamo, at sa halip ay na-realize lang niya na nakakatawa ang buhay
"after tanging ina... pag na hospitalize ako noon kasi madalas ako hikain kasi hindi pa ko organic food grabe punong puno ang room ko ng flowers and fruits para sumakabilang buhay nako haha ... ngayun bilang mo nalang mga totoong nagmamahal nalang ang nag papadala ng flowers ( hindi ako nag rereklamo narealize ko lang ang buhay ay nakakatawa )" caption ni AiAi.
Hula tuloy ng Comedy Queen, dadami ulit ang mga kaibigan niya kapag nag-blockbuster ang susunod niyang pelikula.
"sigurado ko pag blockbuster ang SONS and FEELINIALS ( coming soon)which i claim napakadami ko na namang friends and flowers #trotoflife #buhayshowbiz."Ilan sa mga netizens ang naka-relate sa post ni AiAi.
"thats life @msaiaidelasalas pagsikat k marami kang friends kaya now mo malalaman ang totoo mong mga kaibigan just saying... godbless po and get well soon " mensahe ng isang follower.
"FAKE FRIENDS JUST BLOCK THEM. HINDI KA NA MASUSUNDAN pa ." saad ng isa pa niyang fan.
Tanong pa ng isang fan, "Bakit d cla magpakatotoo? Para pong mas dirty pa ang sbiz kesa sa politics tlga." -- FRJ, GMA News
