Pinaalalahanan ang mga sumasali sa Kapuso Milyonation-KrisMasaya promo na mag-ingat laban sa mga manloloko sa pamamagitan ng text.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabi na ang mga nanalo sa naturang promo ay aabusuhin sa pamamagitan ng personal na tawag at hindi lang text na manggagaling sa official number ng GMA Network na 922-7372 (Metro Manila) at 1800-10-922-7372 (outside Metro Manila).

Iginiit din na hindi nanghihingi ang Kapuso Milyonation ng kahit anong pamalit o bayad sa nanalo bago niya makuha ang napanalunang premyo.

Kapag may nakatanggap ng text scam, maaaring ipagbigay-alam ito sa official number ng Kapuso Milyonation para maberipika ang impormasyon at nang hindi maging biktima ng mga mapagsamantala.-- FRJ, GMA News