Kabilang ang Henyo Master ng "Eat Bulaga" na si Joey De Leon sa mga celebrity na bumati sa pagkapanalo ni Catriona Gray bilang bagong Miss Universe 2018.

Sa kaniyang social media post, nagbalik-tanaw din si Joey sa pagsali at pagkapanalo ni Catriona sa Little Miss Philippines noong 1999, isa sa mga sikat na pakontes ng "Eat Bulaga" para sa mga bata.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Catriona Gray Little Miss Philippines 1999 Miss Universe 2018 Congratulations!

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo) on

 

Ilan pa sa mga kilalang celebrity na sumali sa naturang pakontes ng "Eat Bulaga" ay sina Pauleen Luna,  Aiza Seguerra, Camille Prats, Angelica Panganiban, Jillian Ward, at Julie Anne San Jose.

Full support din ang "EB" dabarkads kay  Catriona at tuwang-tuwa sila nang tawagin na ang pangalan ng pambato ng Pilipinas bilang panalo sa naturang kompetisyon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Eat Bulaga backstage during Miss Universe Announcement ???? Congratulations @catriona_gray! Miss Universe 2018. ????

Isang post na ibinahagi ni Eat Bulaga (@eatbulaga1979) noong


 

 

 

-- FRJ, GMA News