
Idinaan ni Ice Seguerra sa biro ang kaniyang kasiyahan sa pagkapanalo ni Catriona Gray bilang Miss Universe 2018, na katulad niya ay nanalo noon sa contest ng "Eat Bulaga" na "Little Miss Philippines.
Sa kanyang Instagram post ngayong araw, December 17, inihayag ni Ice ang pagkakapareho nila ni Catriona pagdating sa pagsali nila sa Little Miss Philippines, ang sikat na kiddie pageant segment ng noontime show na Eat Bulaga.
Si Ice—na unang nakilala bilang Aiza Seguerra—ay nadiskubre bilang artista nang siya ay sumali sa Little Miss Philippines noong 1987.
Maituturing na classic ang interbyu sa kanya noon ng TV hosts na sina Vic Sotto at Joey de Leon.
Tiyempo namang nag-trending ngayong araw ang pagsali ni Catriona sa Little Miss Philippines noong 1999.
READ: Joey De Leon, binati ang dating Ms. Little PHL na si Catriona Gray, na Ms. Universe na ngayon
Ito ang pinanggalingan ng kuwelang hirit ni Ice na pareho ang simula ng karera nila ni Catriona, pero magkaibang landas na ang tinatahak sa kasalukuyan.
Tila ang tinutukoy ni Ice ay ang kanyang pagiging self-confessed transgender man.
Sabi ni Ice, "Nag Little Miss Philippines din naman ako ah... #ibanglandas"
--For more showbiz news, visit PEP.ph
