Balik-Pilipinas na ang Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos matapos na magtanghal sa Europe para sa theater production na Miss Saigon bilang si Gigi.
Sa Starbites report sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkules, sinabing sinalubong si Aicelle ng kaniyang boyfriend na si Mark Zambrano.
Kaagad umanong nag-celebrate si Aicelle ng kaniyang birthday kasama ang pamilya.
Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Aicelle ng larawan nila ni Mark na may caption na, "My heart is full. I am home."
Bago nito, nag-post din si Aicelle sa kaniyang IG account ng mensahe ng pamamaalam sa kaniyang role na si Gigi.
--FRJ, GMA News
