Kasal kay Mark Zambrano na ang pagtutuunan ng pansin ni Aicelle Santos matapos ang kaniyang pag-uwi sa Pilipinas.
"May plans na, paplantsahin na lang," saad ni Aicelle sa ulat ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras Weekend nitong Sabado.
Ayon kay Aicelle, ngayong 2019 na sila nakatakdang ikasal ng dating GMA News reporter.
Kaya naman excited siya dahil mas magiging hands on na siya sa wedding plans.
Kababalik lamang ni Aicelle matapos gumanap bilang si Gigi sa European tour ng Miss Saigon nang mahigit isang taon.
"Priceless," aniya ang kaniyang mga karanasan.
"I made sure I made the most out of it. To savor every moment. Kaya 'yung last bow namin was very memorable," ani Aicelle.
May nami-miss si Aicelle sa Pilipinas, bukod pa sa kaniyang family and friends.
"Na-miss ko pagkain, agad! Sabi ko nga, after this, diretso kaming crispy pata," saad niya. — Jamil Santos/DVM, GMA News
