Nakatanggap ng sorpresa ang aktres na si Kathryn Bernado na magdiriwang ng kaarawan mula sa bago niyang makakapareha sa pelikula na si Alden Richards.

Sa Instagram post ni Philip Rojas, makikita sa video ang pagdating ni Alden na may dalang birthday cake, habang inaawitan ng birthday song ang aktres.

Ayon kay Rojas, nagsasagawa ng "look test" ang aktres para sa pelikula nang sorpresahin siya ni Alden at mga staff. 

Sa Marso 26 ipagdidirwang ng aktres ang kaniyang ika-23 kaaarawan.

Matapos mag-wish, hinipan ni Kathryn ang kandila at yumakap kay Alden, gayundin sa magiging direktor nila sa pelikula na si Cathy Garcia-Molina.

“Para sa atin lahat ‘to,” sabi ni Kathryn tungkol sa kaniyang naging wish.

 

 

Nitong nakaraang linggo nang ianunsyo ang pagtatambal nina Alden at Kathryn sa isang pelikula na kukunan sa Hong Kong at gaganap silang mga OFW. (READ: Alden at Kathryn, gaganap na mga OFW sa kanilang pelikulang kukunan sa Hong Kong). --FRJ, GMA News