Ibinahagi ni Jak Roberto sa kaniyang Instagram account ang pagtuturo sa kaniya ni Dante Gulapa ng ilang macho dancing moves.

Ang pagtuturo ay bahagi ng paghahanda ni Jak sa pagganap bilang si Dante sa isang episode ng "Magpakailanman" na mapapanood sa darating na Sabado.

Saad ni Jak sa caption niya sa video, "1 on 1 tutorial with Big Papa."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

1 on 1 turorial with Big Papa ????#DanteGulapa #Gulapanatic #Daigonatics #Magpakailanman

Isang post na ibinahagi ni Jak Roberto (@jakroberto) noong

 

Dating macho dancer si Dante na naging internet sensation mula nang mag-viral ang kaniyang video sa social media na nagpapakita ng macho dancing at sikat na ngayong "eagle dance."

Sa isang panayam, sinabi ni Dante na ginawa niya ang video hindi para magpasikat kung hindi para magkaroon lang ng remembrance sa kaniyang dance moves dahil nagkakaedad na siya.--FRJ, GMA News