Kitang-kita ang kagandahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera bilang cover photo ng Mega Magazine.
Mala-diyosa ang kaniyang kagandahan sa suot niyang pink maternity dress, ayon sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Martes.
Sa naturang magazine, nagbahagi si Marian ng ilang pagbabago sa kaniyang buhay ngayong malapit na niyang isilang ang baby number 2 nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
-- Jamil Santos/FRJ, GMA News
