Ikinuwento ni Super Tekla na dumaan din siya sa matinding depresyon at naranasang matulog sa kalsada. Alamin kung papaano niya nalampasan ang naturang pagsubok sa buhay.
"As in naranasan ko siya for four months. Kasi noong time na 'yon, 'yun 'yung, as in total ground zero, kasi I had a serious... sobrang depression. Napakabigat na depression na hindi ko siya kinaya and then, wala akong circle of friends na puwedeng mapuntahan. And then, you know, alam mo naman, basta napunta... Pariwara, parang ganu'n," kuwento ni Tekla sa "ArtisTambayan."
Dahil dito, tinanong daw niya ang nasa "Itaas," hanggang sa may dumating na isang taong nagbigay ng kasagutan sa buhay niya.
"And then may instrument na binigay Siya, isang tao, 'yon pala 'yung maghe-help sa akin. Through her/him, kasi bakla rin eh," natatawa niyang sabi. "Dahil sa kaniya, kaya nabigyan ulit ako ng chance to stand up."
Nagbigay si Tekla ng payo sa mga nakakaranas ng pagsubok sa buhay.
"Huwag kayong mawawalan ng pag-asa, kasi andyan lang Siya. Just hold on, lalo na kung may talent ka. 'Yang talento mo, 'yan ang magbibitbit sa'yo sa tagumpay."
Panoorin ang naturang panayam.
--FRJ, GMA News
