Masayang nagkuwento si Kakai Bautista tungkol sa shooting ng ginagawa nilang pelikula sa Hong Kong na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

“Okay po kami at saka napaka-happy po ng set namin," saad ni Kakai sa artikulo ni Rose Garcia sa PEP.ph.

"Teamwork, ganoon. Kasi mahirap po talagang mag-shoot abroad,” dagdag pa niya.
Ayon kay Kakai, hindi maiwasan na pagkaguluhan sila ng fans.

“Hala, grabe! E, kasi naman, kasama ko sila—kasama ko si Alden, kasama ko si Kathryn, kasama ko si Maymay [Entrata], so damay-damay na ‘to!” natatawa niyang sabi, kasabay ng pasasalamat sa mga OFW doon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hk SQUAD. ???????? #hellolovegoodbye

A post shared by ???????????????????? ???????????????????????????????? (@ilovekaye) on

 

“Kahit na napakahirap po naman talagang mag-shooting, e, sana patuloy silang maging cooperative sa amin,” dagdag niya.

Nang kumustahin si Kakai tungkol sa trabaho ng unang tambalan nina Kathryn at Alden, sinabi niya na okey ang dalawa at natutulungan sila.

“Kasi, para kaming mga tropa lang. Tulung-tulungan kami," aniya.

Sa tanong kung napansin ba niyang nagkailangan sina Kathryn at Alden, sabi ni Kakai, “Hindi po... siguro sa simula dahil parehong rival networks.

"Pero kapag trabaho po talaga, trabaho. Napaka-professional po ng dalawa."

Tungkol naman sa tanong kung may "chemistry" ang dalawa, excited na sinabi ni Kakai na, “Ay, abangan ninyo.” -- For the full story, visit PEP.ph