Tila may napupusuan na si Marlou Arizala na papalit sa kaniya bilang si Xander Ford.
Sa ulat ng GMA News "Saksi", ipinakita ang panayam ng online newscast na "Stand For Truth," kay Marlou at sa tila minamanok niyang papalit sa kaniya bilang si Xander Ford na si "Nardong Oppa."
"Ako nga pala si Nardong Oppa. Please like my page," saad nito.
"Oh may page pa siya. Ang kapal ng mukha," natatawang sambit ni Marlou.
Bagay na bagay raw ang naturang titulo kay Nardong Oppa.
Kasabay nito, sinabi ni Marlou na naka-move on na siya at todo-suporta sa paghahanap ng bagong Xander.
READ: Marlou Arizala, ipinaliwanag ang desisyon niyang bumalik sa Hasht5
Sa kabila ng mga pinagdaanan, very thankful pa rin si Marlou na nagbabalik ngayon bilang miyembro ng Hasht5.-- FRJ, GMA News
