Nalagpasan na ni Lauren Young ang mga dumaang pagsubok sa kanyang buhay at career, kabilang ang kanyang “diva attitude,” pagkabaon sa utang at pagbalewala sa kapatid niyang si Megan Young.
Napanood sa iba't ibang roles sa mga GMA teleserye si Lauren, na isa ring blogger at influencer.
Inilahad ni Lauren sa kanyang YouTube vlog na dahil sa ugali niya noon, naramdaman niya na naapektuhan ang kanyang career dahil sa pakikitungo niya sa ibang tao.
“Because I thought I was being funny, but actually I was being such a brat on set, I was being a diva," pahayag niya.
Dahil sa magandang takbo ng kanyang career ng mga panahong iyon, nakabili si Lauren ng sariling condo at sasakyan.
"Kumuha ako ng kotse at ng bahay na hindi ko naman talaga afford, just because I wanted to play along and be at the same level of my peers.”
Sa panayam kay Lauren ni Nelson Canlas sa Chika Minute, inilahad ng aktres na maayos na ang kanyang pananaw sa buhay at tinanggap na ang kanyang naging mga pagkakamali.
"I got greedy really fast because showbiz you know, I think it changes a lot of people because it's something, it does not happen to most. So when it happens to you you think its like so surreal. And I was just like 'Oh, I'm one of a hundred. Biglang I put myself na parang feeling ko Diyos ako eh,’” sabi ni Lauren.
May mga nakapuna rin daw sa pagdagdag niya ng timbang.
"I never really noticed it until I gained so much. And it was three years later. But throughout the three years hindi ko siya naramdaman. Because siyempre I was always surrounded by people na lagi akong pinupuri."
Ngunit isa sa kanyang mga naka-heart-to-heart talk ay ang boyfriend ni Megan na si Mikael Daez.
Ipina-realize daw sa kanya ni Mikael ang mga maling bagay na hindi na dapat niya binibigyan ng halaga.
Binitawan na ni Lauren ang mga bagay na sa tingin niya dati ay importante tulad ng condo, kotse at iba pang materyal na bagay.
Muli ring binuo ni Lauren ang relasyon ng mga importanteng tao sa buhay niya kabilang na ang kapatid na si Megan Young.
"I didn't want to shut her out anymore. So that's what I did, I let my sister into my life and we've never been better... And it's been a year of us just us trying every single day to be better and kinder and more understanding to one other."
Unti-unti ngayong natututo si Lauren kung paano bibigyang halaga ang pagmamahal sa sarili at pagiging totoo.
"When you're chasing validation du'n nawawala 'yung pagiging authentic mo eh. Because then you're just doing it for the sake of them," sabi ni Lauren. — Jamil Santos/MDM, GMA News
