Hindi nagpahuli ang ilang Pinoy sa nauuso ngayong "bottle cap challenge" na ginawa na ng ilang sikat na international celebrity tulad ng Hollywood actor na si Jason Statham at MMA star Conor McGregor.
Sa naturang challenge na pinauso ng sikat na martial art expert mula Kazakhstan na si Farabi Davletchin, dapat maalis ang takip ng bote sa pamamagitang spin kick o paikot na pagsipa.
Kabilang sa mga Pinoy na gumawa ng naturang challenge ay ang taekwondo practitioner at commercial model na si Japoy Lizardo, wushu champion at model na si Janice Hung, at Kapuso broadcast journalist na si Arnold Clavio.
Magtagumpay kaya sila? Panoorin.
--FRJ, GMA News
