Magkaiba man sila ng home TV network, nanatiling malapit na magkaibigan sina Glaiza de Castro at Angelica Panganiban.
Excited na raw si Glaiza na mag-bloom na rin ang love life ng kaniyang kaibigan at kung sakali ay gusto raw niyang maka-double date sila.
Ayon kay Glaiza, nakilala na ni Angelica ang kaniyang Irish boyfriend na si David Rainey.
Pero maliban dito ay tikom ang bibig ng Kapuso actress kung mayroon nang nagpapasaya sa puso ngayon ni Angelica.
Nagbibigay ba siya ng advice kay Angelica tungkol sa love life nito?
Sagot ni Glaiza, "Wala. Sa amin naman, wala kaming mga ganung pag-uusap na, 'Eto dapat, eto dapat...'
"Wala kaming rules na ganun.
"We're just there for each other sa mga times na talagang kailangan namin yung isa't isa."
Natutuwa raw si Glaiza na makitang ine-enjoy ni Angelica ang pagbibigay nito ng oras sa sarili, tulad ng pagbabakasyon sa Siargao kasama ng ilang mga kaibigan sa showbiz.
Noong single pa si Glaiza early last year, Siargao rin ang isa sa mga pinuntahan niyang lugar para makapag-unwind pagkatapos ng sunud-sunod na trabaho.
Siya ba ang nakaimpluwensiya kay Angelica na doon din magbakasyon?
"Well, mas nauna siyang mag-Siargao sa akin.
"Siya nagsabi sa akin noon na, 'Amiga, magpunta ka ng Siargao, masaya dun.'
"So yun, nakapag-Siargao ako dahil sa kanya."
Napangiti ulit si Glaiza nang hingan ng reaksiyon sa paseksing swimsuit photos doon ng kaibigang si Angelica.
Ani Glaiza, "Proud ako sa kanya. I'm so proud of her na nae-embrace niya yung femininity niya."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa presscon ng pelikula niyang My Letters To Happy, noong Biyernes, June 28.
Kinabukasan, June 29, lumipad na si Glaiza patungong London kunsaan mag-aaral siya ng music production and music composition sa loob ng tatlong buwan.
Si Angelica ay nagtungo naman ng Los Angeles, California. -- For the full story, visit PEP.ph
