Muling nagbabalik sa pag-record ng awitin ang "Acoustic Princess" na si Princess Velasco matapos ang ilang taong pamamahinga. Kasabay nito, inilahad din niya ang kaniyang mga pinagkaabalahan bilang ina.
"Actually just very recently kasi 'yung pamamahinga na 'yan I started my family. So I got married, now I have two kids, isang magwa-one-year-old, tsaka isang four-year-old. So du'n naman, kahit nabuntis ako, nanganak ako, kumakanta pa rin ako. Sa recording lang talaga ako nakatigil," kuwento ni Princess.
Nagkaroon din aniya siya ng nodes nitong taon, pero gumaling din agad.
"But may time na nawala ang boses ko. Very recently, early this year, nagkaroon ako ng nodes, as in paos. Tapos medyo na-sad ako kasi siyempre this is what I love. I love singing. I always tell my husband, 'I need to get my voice back. I really need to kasi nasa-sad ako,'" pagbahagi niya.
"And it's because of taking care of the kids. Kumakanta ako sa kanila sa gabi para matulog sila, 'yung toddler ko mahilig sa stories. Nawala talaga 'yung boses ko and meron akong mga commitments and performances na affected, talagang nagpadoktor na ako," patuloy ni Princess.
Sinabi ni Princess na labis siyang nalungkot noon nang mawala ang boses niya.
"Hindi naman ako na-depressed talaga, pero super na-sad ako kasi siyempre as a singer, 'pag naririnig mo even your speaking voice, hindi ka makasalita nang maayos, siyempre what more kung kakanta ka. Tsaka kasi paano kung biglang merong singing engagement and you cannot perform. And even 'yung simple na I can't even sing to my baby at night, and he likes my lullaby. So may time na nu'ng nagvo-voice rest ako, ni-record ko na lang 'yung voice ko tapos pinaparinig ko na lang sa kaniya bago matulog," patuloy pa ng mang-aawit.
Ngayon, maayos na raw muli ang kaniyang boses at nakakantahan ko uli niya ang kaniyang anak.
Pumirma ng GMA Music contract si Princess kamakailan para sa kaniyang pagbabalik-recording, na nag-reminisce dahil dati na rin aniya siyang nagtrabaho sa GMA Network.
Kasama niyang pumirma sina GMA Music Managing Director Rene Salta, A&R Manager Kedy Sanchez.
"Of course I'm very happy to be back actually kasi dito rin ako nag-work dati sa GMA, nakatrabaho ko rin ang mga taga-GMA Music way back. So it just feels like coming home, and of course I'm very excited to make new music," saad niya.
Dating napapanood si Princess sa musical variety show sa ibang network, hanggang sa mamahinga muna dahil na rin sa pagsisimula niya ng pamilya.
"Kasi siyempre I missed singing na recording talaga and I'm very, very happy na nabigyan ako ng opportunity of course, with the people from GMA Music, sila sir Kedy (Sanchez), sila sir Rene (Salta). I'm so happy na nabigyan ako ng chance ulit to be heard sa recording ulit and the songs that we are going to do, sobrang maganda and sobrang close sa puso ko rin."
At dahil binansagang "Acoustic Princess," acoustic pa rin ang kaniyang genre, pero mas malaya siya ngayong makakapag-ambag sa kaniyang musika.
"Acoustic pa rin pero ang maganda kasi, nabigyan nila ako ni Sir Kedy ng freedom and idea also na OPM. So Tagalog kasi when I talked with them nu'ng nag-meeting, pare-pareho kami na gustong gusto namin ng salita natin and kapag nilapagan mo ng magandang melody, ng magandang areglo, talagang tagos sa puso 'yung mga kanta na Tagalog."
Pinamagatang "Konti Na Lang" ang ire-release niyang single.
"'Yung message ng kanta is inspirational. It's very Pinoy kasi ang lyrics niya, ang first line pa lang, ''Pag parang napapagod ka na, hindi na mahakbang ang iyong paa, tanawin sana ang dulo.' The chorus is 'Konti na lang, nandu'n ka na,' so it's very inspirational. The first time I heard the demo, kinilabutan ako kasi parang naaalala ko 'yung struggle na... Nasasalamin ng lahat ng karaniwang Pilipino. Ganu'n naman eh, para mag-umpisa tayo na meron tayong goal in mind."
"Tapos minsan parang iniisip mo parang, mararating ko ba 'yun? Mararating ko ba siya ever kasi parang ang layo layo niya doon sa ngayon. So nakaka-inspire 'yung pagkakasulat ng kanta, 'yung melody nakaaantig ng damdamin. I really loved it. Nu'ng unang narinig ko pa lang, 'Gusto ko 'yan!'" dagdag pa ni Princess. --FRJ, GMA News
