Pagtutuunan na ni Catriona Gray ang kaniyang mga passion na charity work at pagkanta matapos ang kaniyang final walk bilang Miss Universe 2018.
Sa Star Bites report ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkoles, sinabing emosyonal si Catriona sa kaniyang final walk at itinuturing niyang karangalan ang iwagayway ang watawat ng Pilipinas sa mundo sa pamamagitan ng Miss Universe.
"I'm very, very flattered po. As I always wanted to give my best not only for my country but also in the position I was given as a Miss Universe. I've always wanted to really give my best and if that was setting the standard higher, then I feel like there are women out there who are very, very capable of reaching that and even exceeding that," saad ni Catriona.
Gusto raw ni Catriona na makapag-perform abroad sa kaniyang pagkanta.
Samantala, natuwa rin si Catriona sa naging performance ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe Philippines 2019 na si Gazini Ganados kahit nabigo itong maiuwi sa bansa ang korona.
Masaya rin siyang nanalo ang Pilipinas sa Best in National Costume sa pangalawang pagkakataon.
Gusto namang paglaanan ng oras ni Queen Cat ang kaniyang pamilya.
Hindi nakapunta ang kaniyang pamilya sa kaniyang final walk dahil nagpa-surgery ang kaniyang ama.
"Maligayang Pasko sa mga kababayan. I hope you have a wonderful, safe and happy Christmas season po with your family and loved ones," ani Catriona.--Jamil Santos/FRJ, GMA News
