Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," ikinuwento nina AiAi delas Alas at Kisses Delavin ang working relationship nila sa isa't isa na para nang magnanay matapos nilang gawing ang pelikulang "D'Ninang."

Kuwento ni Kisses, naging komportable kaagad siya kay AiAi, na inilarawan niyang sobrang "sweet" na tao.

Sa unang araw pa nga lang daw ng kanilang shooting, niregaluhan na kaagad siya ni AiAi, at binigyan pa uli nitong nakaraang Disyembre.

Sa unang araw daw ng pagpunta niya sa Kapuso network, si AiAi din daw ang nag-tour sa kaniya.

Nang tanungin si AiAi kung ano ang ipinapayo niya kay Kisses, tugong ng aktres, "Siguro 'wag muna siyang mag-boyfriend. Enjoy-enjoy lang. Siguro, paligaw puwede [pero boyfriend 'di pa]."

Panoorin ang naturang panayam kina AiAi at Kisses sa video na ito.


--Jamil Santos/FRJ, GMA News