Inamin ng bagong Kapuso actress ba si Myrtle Sarrosa na nag-audition siya sa inaabangang live-action series na 'Voltes V: Legacy.'

Sa panayam ng showbiz press, hindi binanggit ni Myrtle kung anong partikular na role siya nag-audition.

Pero sa mga babae na karakter sa Voltes V, tiyak na aabangan kung sino ang mapipiling bidang  babae na si Jamie Robinson.

READ: Mga 'bigating' nag-audition bilang Big Bert sa 'Voltes V,' nagpakitang gilas sa acting at martial arts

“Wala pa po talagang confirmed na role na ibibigay sa akin,” paglilinaw ni Myrtle., na aminadong big fan ng naturang cartoon series.

WATCH: Teaser ng live action remake ng 'Voltes V,' inilabas na

“Since fan din ako ng Voltes V, it would be a dream role pero ayoko na mag-expect, ayoko muna mag-expect,” saad niya.

“I did my best, and we'll see kung sino 'yung pipiliin nila. Alam kong napakaraming mahuhusay na mga aktor at aktres na nag-audition for the many roles in the live action,” dagdag ni Myrtle na isang 'cosplayer.'--FRJ, GMA News