Muling magsasama-sama sa isang online reunion ang stars ng "That's Entertainment" sa Zoom sa darating na Oktubre 3.

Ito ang inanunsyo ni Tina Paner, na alumni ng 80s variety show, nitong Miyerkoles.

Sa kaniyang Instagram, makikita ang edited photo ng "That’s Entertainment" stars na kumasa sa #ManilaBayChallenge bilang photo sa background.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

ZOOM-MUSTAHAN Oct 3,2020?? #ThatsEntertainmentReunion #ThatsEntertainment @officialthatsentertainment

A post shared by Tina Paner (@tinapaner71) on

 

Ito rin ang kinumpirma ni Lilet Esteban, Friday group mainstay, sa kaniyang Instagram.

 

 

"Yes! Magrereunion po kami, THAT’S ENTERTAINMENT ZOOMUSTAHAN sa OCT 3.:)" pagkumpirma ni Lilet.

Bago nito, nag-reunion na rin ang "That's Entertainment" sa ilan pang mga online meeting, kabilang na ang isang inorganisa ni Janno Gibbs.

Matatandaang sama-samang nag-perform sina Janno, Manilyn Reynes, Tina, Sheryl Cruz, Romnick Sarmenta, Monching Gutierrez, at Keempee de Leon para sa kanilang version ng "Nothing's Gonna Stop Us Now" ng Starship.--FRJ, GMA News